34

K-12 dineklarang konstitusyonal ng Korte Suprema

Sharing is caring!

Walang sapat na patunay ang mga petitioner na sinasabing labag sa Konstitusyon ang isinulong na K-12 basic education program, ayon sa Supreme Court.

Sa ipinalabas na ruling ng institusyon, sinabi na ang K-12 ng gobyerno ay ganap na konstitusyonal, limang taon ang lumipas bago naging ganap itong batas.

Ang Republic Act No. 10533,o ang ‘Act Enhancing the Philippine Basic Education System’ ay matatandaang naipatupad noong apurbahan ito ni dating Presidente Benigno ‘Noynoy’ Aquino III noong 2013.

Naglalayon itong palawigin ang taon ng pag-aaral ng mga estudyante, na mula 10 ay gagawin ng 12, para makapaghanda ang mga high school graduate kung nais na nilang magtrabaho matapos ang senior high school, o nais nilang magpatuloy sa kolehiyo.

Ilan sa mga kumontrang mambabatas sa nasabing panukala ay sina Senador Antonio Trillanes IV, at ACT Teachers party-list Rep. Antonio Tinio, na ginawang dahilan ang pagiging ‘di makamasa ng batas, lalo na para sa mga mahihirap na pamilya. (RP)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?