1,215

By

JV: Umaming drug dealer si Kerwin, bakit inabsuwelto ng DOJ?

Sharing is caring!

Kinuwestiyon ni Senador Joseph Victor “JV” Ejercito ang pagbasura ng Department of Justice (DOJ) sa drug cases laban sa diumano’y big time drug dealers na sina Kerwin Espinosa, Peter Lim at Peter Co.

Hindi niya makita ang katwiran ng DOJ dahil ipinagyabang noon na matibay na ang ebidensya laban sa mga ito.

Higit sa lahat, ani Ejercito, umamin si Espinosa na ito ay drug dealer noong humarap sa pagdinig ng Senado.

Inungkat na sa pagdinig ng Senado, sinabi ni Espinosa na kumita siya ng P40 milyon hanggang P50 milyon mula sa pagkalakal ng ilegal na droga.

Umamin ding nanuhol sa mga opisyal ng gobyerno at pulisya.

Nagbigay din umano siya ng P8,000,000 kay Ronnie Dayan para maging campaign fund ni Senadora Leila de Lima na noon ay kalihim ng Department of Justice.

Sinabi noon ni Espinosa na siya ang drug dealer at hindi ang kaniyang ama na pinaslang sa loob ng kulungan na si dating Mayor Rolando Espinosa Sr.

“At the very least, this decision sends mixed signals to the public in terms of our resolve to wage war against anyone dealing with illegal drugs, regardless of stature in life and the friends they have in high places,” ani Ejercito.

Umaasa si Ejercito na magsasaliksik pa nang husto ang DOJ at kakalap ng matibay ng ebidensiya.

Marami na aniyang inabsuwelto ang DOJ dahil sa sinasabi nilang kulang sila ng ebidensiya.

“DOJ is on a clearing spree. Even the one who got away with the loot in the Bangladesh Central Bank heist was not included in those charged!” ani Ejercito.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?