162

Jan 24, 2021 @ 15:35
By

JV sa Parañaque task force na nanipa ng vendor: Animal ka!

Hindi naitago ni dating Senador JV Ejercito ang galit nang mapanood nito ang video ng miyembro ng Parañaque Task Force na nanakit at nanipa pa sa ulo sa isang vendor noong Sabado.

“Sino yang sumipa sa mukha habang nakahiga? Duwag! Pag Nakita kita ganyan din gagawin ko sa iyo animal ka!” reakisyon ni Ejercito sa kanyang Twitter post kahapon.

“Sorry for the outrage! But this is very very wrong. Laws must be followed but humanity has to take its place in some instances. That kariton is his livelihood,” dagdag pa nito.

Nauna nang nag-viral sa social media ang ginawang pagposas, puwersahang pagpapadapa at pagsipa ng ilang miyembro ng PTF sa lalaking vendor matapos hindi ibigay ang kanyang kariton.

Samantala, nabahala naman si Senador Panfilo Lacson sa marahas na clearing operation ng mga kasapi ng Paranaque Task Force kung saan matapos kunin ang karitin ay pinosasan, pinadapa at sinipa pa sa ulo ang kaawa-awang vendor na si Warren Villanueva.

“Even for a while, can’t we think of the plight of the vendor first?” pahayag ni Lacson sa kanyang post sa Twitter.

Naalaka tuloy ni Lacson ang kanyang yumaong ina na dating vendor rin noong sa kailang bayan sa Cavite.

“Now, before anybody questions my motive for getting involved, it’s personal. My mother was a poor vendor like Warren. She was luckier as she paid her dues in out small town’s public market.”

Matatandaan na limang tauhan ng Parañaque Task Force ang nagtulong-tulong na posasan si Villanueva habang ang isa sa mga ito ay sinipa pa sa mukha si Villaneuva.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?