5

Oct 5, 2020 @ 19:11
By

JV nalungkot, mga biker bawal na sa Okada area

Ikinalungkot ni dating senador JV Ejercito na bawal na raw ang mga nagbibisikleta sa Okada area simula kahapon.

Aniya, naging pasyalan na ng mga nagbibisikleta ang Okada area sa Entertainment City dahil sa naggagandahang kalsada at walang gaanong trapiko.

Daan-daang biker raw ang nagtutungo roon, na malamang ay umaabot pa sa 5,000 kapag weekends.

“The Okada area in the entertainment city has become a bikers destination because of the very nice roads & light traffic. Hundreds of bikers come here everyday & probably reaches about 5 thousand on weekends. Surprise! The area is now prohibited to bikers since yesterday,” tweet ni Ejercito, October 5.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?