215

Jun 22, 2020 @ 13:28
By

JV nainis! 1 pamilya sa QC puro PWD cardholder

“Ang kakapal!”

‘Yan ang nasambit ni dating Senador JV Ejercito matapos makita ang larawan kung saan anim na persons with disability (PWD) card na magkakapareho ang apelyido, na ayon sa dating mambabatas ay magkakamag-anak.

“Buong pamilya lahat may PWD cards! You are all cheaters and opportunists!” saad ni Ejercito.


Nakaabot na ang nasabing picture sa Department of Trade and Industry (DTI), kung saan iniimbestigahan na kung naabuso ba ang mga PWD ID ng nasabing pamilya.

“Abuse of privilege in any law ruins the spirit behind it. Such a discount is solely meant for actual persons with disability. The DTI, through the Fair Trade Enforcement Bureau (FTEB), is currently investigating the matter,” ayon kay Trade Secretary Ramon Lopez.

Ito’y matapos din makatanggap si Lopez ng reklamo mula sa mga restaurant hinggil sa paggamit ng pekeng PWD ID.

“Such action gives undue discrimination to people who actually have disabilities that we do not immediately see,” aniya pa.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?