198

JV nagparinig kay Jinggoy: Sana proud si Erap sa akin, ‘di naman ako nangurakot!

Sharing is caring!

Umaasa si Senador Joseph Victor ‘JV’ Ejercito na maging proud sa kanya si Manila Mayor Joseph “Erap” Estrada sa hindi pagkakasangkot sa anumang isyu o anomalya.

“I’ve tried to protect the name, proud ako na ‘di ako nasangkot sa anomang anomaly, so wala akong bahid. Kaya siguro sana naman maging proud siya that I did my best to keep my name clean,” ayon kay Ejercito.

Tila pagpaparinig ito ni JV sa half-brother na si dating Senador Jinggoy Estrada na naugnay sa PDAF scam at tatakbho rin sa 2019 election.

Inamin din ng senador na hindi pa nito nakakausap ang ama.

Kamakailan lang ay iniwan ni Ejercito ang Pwersa ng Masang Pilipino (PMP) at sumapi sa Nationalist Peoples’ Coalition (NPC).

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?