32

JV: Naging casualty ang supplemental budget para sa Dengvaxia recipients

Labis ang pagkadismaya ni Senador JV Ejercito sa kanyang mga kasama sa Senado dahil mas binigyan ng prayoridad ang Senate resolution kaugnay ng kaso ng napatalsik na CHief Justice Maria Lourdes Sereno kesa sa panukalang P1.16 bilyong supplemental budget para sa mga biktima ng Dengvaxia vaccines.

“Priority nila (yung) quo warranto reso (resolution). Ano ba ang makakasagip ng buhay, (yung) quo warranto reso or supplemental appropriation for Dengvaxia vaccinees?” pahayag ni Ejercito.

“Sayang din (ang) dalawang buwan. Sana magamit na ng mga biktima (itong budget),” dagdag nito.

Ayon sa Ejercito, chair ng Senate committee on health ang demography, nakahanda naman umano siyang idepensa ang naturang pondo subalit hindi na ito binigyang-pansin ng kanyang mga kasama sa Senado.

“Naging casualty ang Dengvaxia SB (supplemental budget). Naka standby ako buong gabi, naka-ready to defend (the budget),” sabi ng senador.

Nag-adjourn sine die ang Senado alas-2:00 ng madaling araw noong Huwebes matapos ang halos 10 oras na marathon deliberations sa panukalang Bangsamoro Basic Law (BBL).

Pagkatapos maipasa sa third reading ang BBL, isinunod ang debate sa Senate Resolution 738, “Expressing the Sense of the Senate to Uphold the Constitution on the matter of Removing a Chief Justice from Office”.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?