33

Apr 22, 2020 @ 16:16
By

JV naging barbero sa anak

May bagong skill si dating Senador JV Ejercito na binahagi sa madla ngayong lockdown.

Sa kanyang Twitter video kaninang umaga, makikitang razor ang ginamit niya upang gupitan ng buhok ang “poging” anak na si Emilio.

“Grabe para ng cotton candy ang buhok!,” komento pa ni JV. “COVID lessons. Hehe!”

Siyempre pa, may before and after shot si Emilio matapos siyang gupitan ng tatay.

“Pogi naman diba?,” usisa pa ng dating senador.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?