609

Apr 8, 2019 @ 20:57
By

JV nag-sorry sa mga rider sa ‘Doble Plaka’

Humingi ng paumanhin si Senador JV Ejercito sa mga motorcycle rider dahil pumirma siya sa Senate approval ng Motorcycle Crime Prevention Act.

Inamin din nitong nang i-deliberate ang panukala ay hindi siya kailanman nakadalo sa mga pagdinig nito dahil naman sa hearing sa Universal Health Care Law at Department of Housing.

Inakala umano niyang dumaan sa lahat ng proseso at konsultasyon ang panukalang nag-aatas sa paggamit ng malaking plaka sa harap at likod ng motorsiklo kaya siya pumirma.

Noong Sabado inanunsiyo ni Pangulong Rodrigo Duterte na gusto niyang suspendihin ang implementasyon ng “Doble Plaka” law dahil sa concerns ng mga rider.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?