975

Nov 22, 2021 @ 16:33
By

JV nadale ng lubak, duguan

Duguan at nagkabukol-bukol si dating senador JV Ejercito matapos madisgrasya habang nagbibisikleta sa Roxas Boulevard sa Maynila nitong Lunes.

“I hit a small pothole while doing a solo ride and sprinting along the stretch of Roxas Boulevard. I lost control as my front wheel wobbled, then fell hard on my bike,” sambit ni Ejercito sa Facebook post.

“Thank you to Manong UV Express who rescued me. Ride safe everyone! Ingat tayo sa kalye,” dugtong niya.

Nag-update siya sa isang tweet kung saan sinabing negative ang resulta ng kanyang CT scan at nagtamo lamang ng maliit na pamamaga sa kanyang noo.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?