21

Jun 15, 2020 @ 9:56
By

JV na-miss ang dine-in

Makalipas ang tatlong buwan, nakapag-dine-in na rin si dating Senador JV Ejercito sa paborito niyang coffee restaurant.

“After jog/walk, nice to have coffee and my favorite wrap at Tim’s,” aniya sa Twitter ngayong Lunes.

Sinunod naman umano ang social distancing at limitado lang ang mga nasa loob.

Ngayong Lunes, Hunyo 15, epektibo ang Resolution No. 45 ng IATF na pinapayagan ang dine-in sa mga kainan pero hanggang 30% seating capacity lang.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?