275

By

JV magpapaubaya kay Jinggoy sa 2019 senatorial elections

Sharing is caring!

Hindi na umano tatakbo sa pagka-senador si Senador Joseph Victor Ejercito sa 2019 kung kakandidato sa ganito ring posisyon ang kapatid niyang si dating Senador Jinggoy Estrada.

Ayon sa senador, siya na lang ang magsasakripisyo dahil ayaw niya na magkakapamilya ang kumakandidato at humahawak ng puwesto.

Hindi raw niya ito masisikmura dahil siya mismo ay tutol sa dynasty sa gobyerno kaya nga naghain siya ng Anti-Political Dynasty Bill.

“Hindi ako papayag na dalawang miyembro ng pamilya ang tatakbo. Kung sakali, I will do the supreme sacrifice,” sabi ni Ejercito.

“Preferably sana, isa lang ang tatakbo. Let’s give chance to others. Nasa 100 milyon na tayo, hindi naman hawak lang ng isang pamilya ang sinseridad na maglingkod,” dagdag nito.

Iaasa naman daw niya sa ama na si Manila Mayor Erap Estrada ang pagtukoy kung sino sa kanila ni Jinggoy ang tatakbo sa pagka senador.

Si Ejercito ay anak ni Erap kay San Juan City Mayor Guia Gomez habang si Jinggoy ay anak kay dating Sen. Luisa “Loi” Ejercito.

Umaasa naman si Ejercito na kapag siya ang kakandidato, isasama siya sa senatorial line-up ng PDP -Laban gayundin ang iba pang kapwa niya reeletionist senators na hindi rin kasapi ng partido.

Bukod kay Ejercito, mga releksyunista rin sina Senators Grace Poe, Nancy Binay, and Sonny Angara na hindi kasapi ng PDP Laban.
Tatakbo rin para sa reeleksyon si Senate President Koko Pimentel na presidente ng PDP – Laban.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?