1,348
ABANTE jv ejercito pederalismo
Feb 25, 2018 @ 22:16
By

JV, lalayasan na ang partido ng amang si Erap

KINUMPIRMA ni Senador JV Ejercito ang posibilidad na kumalas ito sa partido ng kanyang amang si dating Pangulo at ngayo’y Manila Mayor Joseph Estrada na Partido ng Masang Pilipino (PMP).

“Sa PMP most likely I am leaving the party,” pahayag ni Ejercito.

Ito ay makaraang kumpirmahin ng senador na siya ay adopted member na ng Hugpong ng Pagbabago (HNP) na itinatag ni Presidential daughter at Davao City Mayor Sara Duterte-Carpio.

“Adopted member kasi hindi naman ako taga-Davao Region. Pero baka mag-resign na ako sa PMP soon,” pahayag pa ng senador.

Subalit nilinaw ni Ejercito na hindi pa malinaw kung tuluyan na itong sasanib sa HNP kasabay ng paniniyak na magiging magkakasama silang mga re-electionist.

“Hindi pa alam. Basta magkakasama kami mga reelectionists,” sagot ni Ejercito sa tanong kung sasanib na sya sa HNP.

Bukod kay Ejercito, Kabilang sa sinasabing third force sa Senado ang mga reelectionists na sina Senador Grace Poe, Senador Cynthia Villar, Senador Nancy Binay, Senador Sonny Angara at Senador Bam Aquino.

Suportado naman ito ng seatmates na sina Senador Win Gatchalian, Senador Migz Zubiri at Senador Joel Villanueva.(Dang Samson-Garcia)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?