222

Jun 9, 2020 @ 13:07
By

JV kay Zamora: Mga pulis San Juan, huwag mo ilaglag!

Bilang dating alkalde ng San Juan City, may simpleng payo si dating Senador JV Ejercito kay Mayor Francis Zamora kasunod sa paglabag nito sa quarantine protocol sa Baguio City.

Una, dapat sinsero umano ang paghingi ni Zamora ng paumanhin sa mga taga-Baguio na na-offend sa kanya matapos nitong isantabi ang standard health at safety protocol na ipinatutupad sa lungsod.

“Apologize sincerely to the people of Baguio whom you have offended. They are very strict and have been obedient to follow quarantine and lockdown rules. The people of Baguio sacrificed a lot for the past 3 months for the welfare of Baguio,” pahayag ng dating senador sa kanyang Facebook post.

Pangalawa, dapat umanong akuin ni Zamora ang responsibilidad sa pangyayari at hindi dapat ilaglag ang mga kasamahan na lalo na ang mga pulis na nagsilbing security ng pamilya nang magtungo ang mga ito sa Baguo.

“Stand up for your police security escorts and be man enough to assume responsibilituy,” sabi pa ni Ejercito.

Nauna rito, sinibak ni National Capital Regional Police Office (NCRPO) chief Debold Sinas ang limang pulis na kasama sa convoy ng mga Zamora.

“Hindi natin dapat ilaglag ang ating mga kasamahan sa trabaho lalo na mga pulis na nagsisilbi pang security ninyong pamilya,” sabi ni Ejercito.

“Masakit para sa kanila ang madiin para lamang mawala sa iyo ang init habang ginagawa nila ang kanilang trabaho. Di naman nila kasalanan ang mapunta sa Baguio ‘di ho ba Mayor?” sambit pa nito.

Ayon pa sa dating alkalde ng San Juan, mababait at matitino umano ang mga pulis ng San Juan kaya’t hindi dapat pinababayaan ng kanilang mayor.

“Mababait ang Pulis San Juan. Yan ay napatunayan ko na ng ilang taon ako ay Mayor at naging Congressman. Iba ang kultura ng kapulisan dito sa San Juan, walang korap, walang kotong at walang abusado,” sabi pa ni Ejercito.

“I know I am the last person you would seek an advise. But this one I am giving you because I am standing up for our San Juan Police Force who are good officers. Matitino ang Pulis San Juan. Wag mo sana silang pabayaan,” wika pa nito.

Sa huli, sinabi ni Ejercito na huwag umanong sanang masamain ni Zamora ang payo nito sa kanya.

“Please take this advise with a grain of salt. Wag mo sanang masamain. Take this constructively,” ani Ejercito.

“I am doing this for the San Juan Police force who have served me when I was Mayor and has served San Juan very well. #TheGoodOne,” dagdag pa nito

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?