306
JV isinisi kay Jinggoy ang pagkalaglag sa Magic 12
By

JV isinisi kay Jinggoy ang pagkalaglag sa Magic 12

Malaking balakid umano ang kandidatura ni Jinggoy Estrada kaya hindi makapasok sa tinatawag na Magic 12 si reelectionist Senator JV Ejercito.

“I think that was the biggest challenge. The biggest problem. Natural ‘yun eh, bihira ang boboto ng dalawa, kasi dose ‘yan. Pipili lang ‘yan ng isa,” ani Ejercito sa 24 Oras.

Aniya, kahit konsehal, board member o kagawad pa kapag magkapatid ang tumakbo ay natural na mamili ng isa o kaya’y malilito ang mga botante.

Batay sa partial at unofficial results sa Comelec as of 8:44PM nitong Mayo 15, pang-13 si Ejercito sa senatorial race sa 14,053,653 votes.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?