72

Jan 2, 2018 @ 20:14
By

JV ipinagtanggol si Gatchalian: Tao lang siya, nasasaktan din

Ipinagtanggol ni Sen. JV Ejercito si Senador Sherwin Gatchalian na pinuputakti ngayon ng batikos matapos niyang murahin ang nang-asar sa kaniya sa Twitter.

Ayon kay Ejercito, ipinakita lang ni Gatchalian na tao rin silang mga public official na nasasaktan at naaapektuhan din.

Sina Gatchalian, Ejercito, Senator Joel Villanueva at Senator Sonny Angara ay magkakasama sa tinaguriang Seatmates bloc na solido sa mga isyu at boto.

Sabi ni Ejercito, kung hindi sila masasaktan sa mga bashing at personal na banat, mas nakakatakot dahil lilitaw na sila ay mga manhid.

“In the incident involving my Co-Seatmate Sen. @stgatchalian (Sherwin Gatchalian), goes to show that we are also human, we get hurt & affected too. What is scary is if we public servants become immune from bashing & attacks from rabid haters, then we become insensitive & are like political robots,” pahayag ni Ejercito.

Si Ejercito man ay pumapatol din sa bashing sa Twitter at Facebook kapag napipikon na.

Pero ginagawa raw niya iyong hamon para pagbutihin ang pagtatrabaho.

“Bro @stgatchalian, those bashers, haters and rabids make me work even harder! They keep me on my toes! I thank them because I have become a repsonsible and hardworking Senator because of them!” dagdag ni Ejercito.

Naunang rito, sinabihan ni Gatchalian “gago”at “ulol” ang nagsabi sa twitter na siya ay trapo at ingrato na matindi ang pagpuri noon kay dating Pangulong Benigno Aquino III. (Isaac Mendez)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?