63

By

JV Ejercito posibleng ireklamo sa paggamit ng apelyido ni Erap – Comelec

Sharing is caring!

Maaaring may magsampa ng reklamo para maging nuisance candidate si Senador JV Ejercito kung iibahin nito ang ginagamit na apelyido sa balota, na mula Ejercito ay balak gawin na Estrada galing sa ama na si Manila Mayor Erap Estrada, ayon sa Comelec.

“If he does put Estrada, is someone gonna complain? That’s not for us to decide,” pakli ng Commission on Elections spokesperson James Jimenez sa Headstart ng ANC.

Nagbigay ng isang halimbawa si Jimenez noong nangyari sa mga nakaraang eleksiyon, na sinabing maaaring si dating senador at kapatid ni JV na si Jinggoy Estrada pa ang maghain ng reklamo.

“That’s what Sec. Alan Peter Cayetano did when someone filed a COC saying his name was ‘Peter Cayetano.’ That’s one of the grounds for nuisance,” aniya pa. ”This is a sitting senator, someone you know, but again, someone might have a colorable claim to say that that’s not his actual name, he’s not known as that. It’s something that can happen.”

Ang legal name ni JV ay Joseph Victor Ejercito, na balak ng gamitin ang Estrada para may ‘recall’ o mas maaalala ng mga tao.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?