33

May 21, 2020 @ 14:06
By

JV Ejercito: ‘Pinas na-flat na ang COVID curve!

Sa panahon ng pandemya, nakaisip ng paraan si dating Senador JV Ejercito para mapagaan ang mood ng mga Pinoy.

Sa tweet ng dating mambabatas, kanyang binaliktad ang graph sa COVID-19 infection sa bansa para magmukhang tagumpay ang bansa sa pag-flat ng curve.

“Oops! I wish the graph was not inverted! Sana nga ganito!” sey ni JV.

Marami naman ang natuwa sa pakulo ni Ejercito, kasama na ang Kapamilya host na si Gretchen Ho.

Sa ngayon ay mayroon nang 13,221 na kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa bansa, 2,932 ang gumaling habang 842 naman ang nasawi.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?