703

By

JV Ejercito, pasok sa senatorial slate ni Mayor Sara

Inamin ni Davao City Mayor Sara Duterte na una niyang naging paboritong presidente si dating Pangulong Joseph “Erap” Estrada.

Ibinunyag niya ito nang eendorso niya ang anak ni Erap na si Sen. JV Ejercito at siyam pang senatorial bets ng Hugpong ng Pagbabago sa 2019 midterm elections.

Nagkakilala umano sila ni Erap noong lumipad ang una sa Davao para makilala ang kanyang ama noon na si Davao City Mayor Rodrigo Duterte dahil plano nito na tumakbo sa pagka-bise presidente.

“I was standing on the stairway, and he said: ‘Come down here. Let’s take a picture.’ I was still so young and I was afraid to go. He was very kind to me at that time,” kuwento ni Mayor Sara hinggil sa pagkikita nila ni Erap.

Samantala, kabilang sa mga kandidato ng Hugpong sa pagka-senador sa 2019 sina presidential spokesperson Harry Roque, Taguig Rep. Pia Cayetano, Ilocos Norte Gov. Imee Marcos, Sen. Cynthia Villar, Sen. Sonny Angara, Maguindanao Rep. Zajid Mangudadatu, Special Assistant to the Presidential Christopher Lawrence “Bong” Go, at Bureau of Corrections chief Ronald “Bato” dela Rosa.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?