118

Jul 22, 2021 @ 19:00
By

JV Ejercito nagbitiw bilang board member ng Wack Wack

Nagbitiw si dating Senador Joseph Victor “JV” Ejercito bilang miyembro ng Board of Directors ng Wack Wack Golf &Country Club dahil sa anomalya sa nagdaang eleksyon.

“I hereby tender my irrevocable resignation as member of the Board of Directors of the Wack Wack Golf & Country Club effective immediately. As a public servant and longtime member of this organization, I have strived to uphold the principles of fairness, honesty and accountability,” sabi ni Ejercito sa kanyang resignation letter sa pamunuan ng naturang prestihiyosong golf club.

Ayon sa dating senador, hindi umano niya magagampanan ang kanyang tungkulin bilang miyembro ng board dahil sa diumano’y anomalya sa nagdaang eleksyon.

“With that in mind, I cannot be a part of a board that is clouded by suspicions of alleged fraud during the elections,” sabi ni Ejercito.

“Retaining a seat in the board is not worth sacrificing my principles for. That is why I have decided to resign my post,” dagdag pa nito.

Ginanap ang halalan noong Hunyo 27 kung saan nahalal bilang presidente ng si Lawrence Tan habang ang mga miyembro naman ng Board of Directors ay sina Benjamin Abalos Sr., Vic Borromeo, Pablo Soon, Frederick Chan, Ejercito at Eddie Gohing.

Nanawagan pa si Ejercito na muling magdaos ng eleksyon para alisin ang pag-aalinlangan at pagdududa at para na rin maprotektahan ang kanilang organisasyon.

“I am also calling for elections to be held immediately in order to dispel doubts and suspicions and to protect our organization,” saad pa ni Ejercito sa kanyang resignation letter.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?