57

Nov 1, 2017 @ 12:11

JV Ejercito: Medical marijuana, why not?

Suportado ni Senador JV Ejercito ang pagpabor ni Health Secretary Francisco Duque na gamitin ang marijuana bilang gamot.

“If it will help in saving lives, why not?” ayon kay Ejercito.

Si Ejercito ang chairman ng Senate committee on health at miyembro rin ng Commission on Appointments (CA) kung saan paaprubahan ang pag-upo ni Duque sa Department of Health (DOH).

Kanyang binigyang-diin na nagkaroon na ng katibayan na totoong makakatulong ang “medical marijuana” basta’t tama ang paggamit.

“There is proof it can really relieve pain for cancer patients and is effective in the treatment of epilepsy and other cerebral conditions,” dagdag nito.

“As long as parameters are in place to prevent its abuse I am open to the idea.”

Sa isang panayam, sinabi ni Duque na aprub siya sa “compassionate use” ng medical marijuana. (Isaac Mendez)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?