149

By

JV Ejercito lipat-bakod sa NPC

Sharing is caring!

Kinumpirma ni Senador JV Ejercito ang plano nitong paglipat sa Nationalist People’s Coalition (NPC).

Ito umano ay dahil hindi magandang tingnan na sabay silang tatakbo ng kapatid niyang si dating senador Jinggoy Estrada sa ilalim ng parehong partido kaya kinokonsidera nitong lumipat kung saan siya kumportableng partido na NPC.

Masaya umano siya dahil nagbigay na ng indikasyon si Davao City Mayor Sara Duterte-Carpio ng pagsuporata anuman ang maging desisyon niya.

Magandang kumbinasyon umano ang NPC at ang binuong partido ni Mayor Sara na Hugpong ng Pagbabago na posibleng magsanib-puwersa umano.

Nauna nang napaulat na tatalon ng NPC sina Ejercito at dating senador Lito Lapid, ayon kay Senate President Vicente “Tito” Sotto III.

Si Lapid ay nasa ilalim ng Lakas-Kampi party habang si Ejercito ay mula sa Partido ng Masang Pilipino, na itinatag ng kanyang ama na si dating pangulo at ngayo’y Manila Mayor Joseph Estrada. ()

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?