119

By

JV Ejercito lipat-bakod na sa NPC, Erap masama ang loob

Sharing is caring!

Nanumpa ngayon si Senador JV Ejercito bilang kasapi ng Nationalist Peoples’ Coalition (NPC).

Nanumpa ito sa harap nina Senate President Vicente ‘Tito’ Sotto, senior council leader ng NPC, at Senador Sherwin Gatchalian, miyembro ng council ng partido.

Iniwan ni Ejercito ang Pwersa ng Masang Pilipino (PMP) na partido ng amang si Manila Mayor Erap Estrada.

Ayon kay Ejercito, masama ang loob ng ama pero personal niyang pagpapaliwanagan na hindi maganda kung dalawa sila ng half-brother na si Jinggoy Estrada na magiging kandidato ng PMP sa pagkasenador.

“Pupuntahan ko pa lang siya pero nagpasabi na ako. Hindi kasi magandang tingnan na dalawa kaming magkapatid na nasa isang partido,” pahayag ni Ejerito.

Hindi naman umano niya mamasamain kung maging guest candidate pa rin ng NPC si Jinggoy.

“I would respect the party decision. I would just look at my own campaign and hope that my performance in the Senate would be enough for the voters to consider me,” pahayag niya.

Ayon naman kay Sotto, garantisado na si Ejercito na makakabilang sa senatorial slate ng NPC.

“We would like to welcome JV with open arms. He is one of the more productive members of the Congress. Maraming landmark legislation na naipasa. Kung hindi man siya author eh siya ang sponsor,” pahayag ni Sotto.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?