100

Mar 3, 2019 @ 13:19
By

JV Ejercito kakasa sa debate vs Otso Diretso

Ipinahayag ni Senador JV Ejercito nitong Sabado, Marso 2 na papayag umano itong humarap sa debate laban sa grupo ng oposisyon na Otso Diretso sakaling personal siyang imbitahan ng mga ito.

“Personally I cannot speak for my colleagues, I join debates if allowed,” saad ni Ejercito sa isang press conference, Sabado ng gabi.

Ang tinutukoy na debate ni Ejercito na handa umano niyang harapin ay ang mga debate na sponsored ng mga television network na CNN, GMA, at ABS-CBN.

Ang reaksyon na ito ni Ejercito ay ipinahayag niya makaraang hindi makapunta ang senatorial slate ng administrasyon na Hugpong ng Pagbabago sa hamong debate ng oposisyon sa Plaza Miranda, Quiapo, Manila.

Sinabi nito na dadalo siya sa debate program ng ABS-CBN sa DZMM at ANC ngayong Linggo.

Nang tanungin si Ejercito kung papayag ba itong humarap sa debate sakaling hamunin ito ng kalabang partido ay sumagot ito ng, “Why not?”

“I have nothing to be afraid of, wala akong tinatago. Halos lahat ng major debate events pinupuntahan ko (I have nothing to hide. I attend almost all major debate events),” dagdag pa nito.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?