168

Feb 19, 2020 @ 19:17
By

JV Ejercito ‘inagaw’ si Yoon Seri ng ‘Crash Landing On You’

Kahit ang dating senador na si JV Ejercito ay tinamaan na rin ng K-Drama craze dahil sa hit series na ‘Crash Landing On You’.

Sa Twitter ni Ejercito, kanyang ipinatong ang kanyang mukha sa leading man ng serye na si Captain Ri Jung Hyeok at sinabing siya muna ang bahala kay Yoon Seri, ang ka-partner ng kapitan sa series.

“Capt. Ri, sorry pero alagaan ko muna si Yoon Seri para sa iyo! May hangover pa ng Crashlanding On You!” tweet ni Ejercito.


Ang nasabing serye ang pinakasinubaybayang Korean drama series sa South Korea na inungusan ang ‘Goblin’.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?