281

By

JV Ejercito dinedma ni Erap

Sharing is caring!

Kinumpirma ni Senador JV Ejercito na masama ang loob ng amang si Manila Mayor Joseph ‘Erap’ Estrada sa pagtalon niya sa Nationalist People’s Coalition (NPC).

Iniwan ni Ejercito ang Pwersa ng Masang Pilipino (PMP) na partido ni Estrada.

Ayon sa senador, hindi siya kinausap at ipinaramdam ni Erap ang sama ng loob nu’ng nagkita sila sa anniversary party ng Senado sa Manila Hotel kagabi.

Hindi umano naipaalam ni Ejercito ang paglipat sa NPC.

Ang alam at aprub ni Erap ay ang binalak niya noong una na pagtalon sa bakuran ng PDP-Laban.

Ipinasya ni Ejercito na sa NPC sumama dahil ayaw nitong dalawa sila ng half-brother na si dating Senador Jinggoy Estrada na magiging senatorial candidate ng PMP o ng PDP-Laban.

Salungat aniya ito sa kaniyang pagsusulong ng Anti-Political Dynasty Bill.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?