58

Oct 30, 2020 @ 14:27
By

JV Ejercito: Ambassador Mauro, bully!

Malaking kahihiyan umano sa gobyerno ng Pilipinas at sa sambayanang Pilipino ang ginawang pagmaltrato ni Philippine Ambassador to Brazil Marichu Mauro sa Pinay niyang kasambahay.

Ito ang mariing sinabi ni dating senador Joseph Victor Ejercito kaya’t nararapat lang aniya itong makulong dahil sa ginawa nitong pambu-bully sa kapwa niya Pinoy.

“You bully! You are a disgrace to the Philippine Government and to the Filipino people! I would want to see you behind bars for how you treated your Filipino domestic helper!” pahayag ni Ejercito sa kanyang Twitter post.

Bilang author ng Kasambahay Law sa Mababagang Kapulugan ng Kongreso, sinabi ni Ejecito na nararapat lang na makasuhan si Mauro pagbalik nito sa Pilipinas.

“Being an author of the Kasambahay Law in The House of Reps, I was enraged when I saw the video of how ambassador was maltreating her Filipina helper,” sabi nito.

“She should be charged according to Kasambahay Law when she gets home,” dagdag pa nito.

Pinuri naman nito si Foreign Affairs Secretary Teodoro Locsin Jr., sa mabilis nitong pag-aksyon sa insidente.

“Props to Sec. @teddyboylocsin for his prompt action to recall Philippine Ambassador to Brazil Marichu Mauro for maltreatment of her Filipina household helper,” sabi pa ni Ejercito.

“She [Mauro] should suffer the consequences of her action. Ambassador Mauro has to be charged. No excuse in maltreating a household helper, and a Filipino at that!” sambit pa ng dating senador.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?