9

Jan 19, 2021 @ 13:35
By

Justin Timberlake: Dumating na si baby no. 2!

Kinumpirma ni American singer Justin Timberlake na ipinanganak na ng kanyang misis na si Jessica Biel ang ikalawa nilang anak.

Binulgar ito ni Timberlake sa isang teaser video ng “The Ellen DeGeneres Show.”

Ani Timberlake, isa si DeGeneres sa mga unang nakaalam sa pagbubuntis ng kanyang misis.

Sinabi rin niya sa naturang show ang pangalan ng kanilang baby no. 2.

“His name is Phineas. He’s awesome and he’s so cute. And nobody’s sleeping. But we’re thrilled, you know. We’re thrilled and couldn’t be happier, very grateful,” saad niya.

Si Silas ang unang anak ng mag-asawa na kasalukuyang 5-anyos na.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?