9
views

By

Justin Bieber nanapak sa Coachella music fest

Sharing is caring!

Gumawa ng eksena si Justin Bieber sa nakaraang Coachella music festival dahil meron itong sinuntok na lalake. Nagawa iyon ng Canadian popstar dahil nakita niyang sinasakal ng lalake ang isang babae sa isang party sa music festival.

To the rescue si Bieber sa babae at nanlaban pa raw ang lalake kahit na pinagsabihan na niya itong bitawan ang babae.

Sinabihan pa raw ng lalake si Bieber ng “Go f— yourself.”

Doon daw lalong nagalit ang singer at nagawa na niyang suntukin ito para mabitawan nito ang babae na hawak nito sa leeg.

Ayon sa report ng La Quinta Police Department: “Investigating officers responded to the residence where the alleged battery occurred but were unable to locate any witnesses or evidence of a battery.”

Nakausap din ng mga police ang babaeng nasakal at hindi raw ito mag-press charges sa lalake. No visible injuries naman ang natamo ng babae.

Nasa naturang music festival si Bieber para suportahan ang Walmart ‘Yodel Kid’ na si Mason Ramsey na isang internet sensation.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?