20

Nov 23, 2021 @ 15:41
By

Justin Bieber may sweet birthday message para kay Hailey

Nagbigay ng “long sweet message” o LSM kung tawagin sa panahon ngayon ang Canadian singer na si Justin Bieber para sa asawa nitong si Hailey Baldwin-Bieber.

Sa Instagram post ni Justin, ibinahagi nito ang kanilang mga larawan, kalakip nito ang pagkahaba-habang caption ng singer para sa asawa.

“To my beloved birthday squish. My heart belongs to you. My eyes belong to you, my lips belong to you. I am yours. I am so blessed to be yours. You are my forever. Life has never made more sense until you became my wife. I will never stop loving you, I will never stop holding you, and I will never stop protecting you. You my queen are more than enough for me and I will spend every day making you feel like the queen that you are.”

Marami naman ang kinilig at napasabi ng “sana all” sa nakakakilig na post nito.

Si Hailey Baldwin ay anak ng aktor na si Stephen Baldwin; isang supermodel at influencer.

Marami ang tumutol ng ikinasal ang dalawa noong 2019 ngunit kalaunan ay tinanggap na rin nila ang relasyon nila Justin at Hailey.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?