156
ABANTE Justin Bieber Maine Mendoza canada fake news
By

Justin Bieber at Maine Mendoza ginamit sa fake news!

MAY lumabas na Instagram post na blind item ang style, na kesyo isang Canadian superstar ang interesadong makilala, ma-meet si Maine Mendoza. Eh, ‘di ba, kagagaling lang ni Maine sa Canada para sa collaboration niya with MAC cosmetics, na nagtimpla pa nga siya ng sarili niyang lipstick.

Anyway, si Justin Bieber ang hula nila na kesyo interesado kay Maine. Pero, agad din naman itong kinontra ng avid followers ni Maine, at sinabing burahin na lang ang post na ‘yon, dahil malinaw na fake news nga raw ‘yon.

Baka sabihin pa raw ay nanggagamit ang kampo ni Maine. Hindi nga naman ganu’n ang image ni Maine. Hindi nga nito kailangang manggamit para sumikat pa, dahil sikat na sikat na nga ito.

Hinalughog nga ng followers ni Maine ang IG stories, tweets ni Justin, pero wala nga silang nakita. So, peke ang balitang interesado si Bieber kay Maine. (Dondon Sermino)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?