10

Mar 8, 2021 @ 19:36
By

Justin Bieber inilabas MV ng bago niyang single

Inilabas na ni Canadian superstar Justin Bieber ang music video para sa bago niyang kanta na “Hold On.”

Makikita sa naturang music video ang kampanya ng singer sa mga indibidwal na may kanser.


Kaugnay nito, naglakip ng website ng isang organisasyon ang 27-anyos na singer sa description ng naturang MV kung saan maaaring lumapit ang mga taong may kanser.

“When you or someone you love is diagnosed with cancer, it’s hard to know where to start. The FCancer CareLine is here to help. Go to https://www.letsfcancer.com/careline/ to learn more.”

Kasalukuyang pumalo na sa 12 milyon ang nakuhang views ng kanyang bagong MV.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?