Edcel Lagman

Justices, pinadidistansiya sa panawagang resignation kay Sereno

Sharing is caring!

Pinagsabihan ni Albay Representative Edcel Lagman ang mga mahistrado at hukom ng iba’t ibang korte na huwag nang makigulo pa sa mga isyung hinaharap ni Chief Justice Maria Lourdes Sereno.

Ayon kay Lagman, hindi na dapat dumagdag pa ang mga ito sa tensyon para hindi lumala ang pagkakahati-hati ng Hudikatura.

Binigyang diin ng kongresista na dapat hayaan umusad ang proseso ng impeachment alinsunod sa Saligang Batas.

Pero hindi ito dapat na nababahiran ng mga palabas sa Korte Suprema kagaya nang pagsusuot ng kulay pula ng mga opisyal at kawani nito kasabay ang panawagan na magbitiw si Sereno.

“Justices must maintain their dignity, impartiality and self-respect rather than show support for divisive activism against the chief magistrate. Judges and personnel of lower courts must resist pressure for them to join the fray,” diin ni Lagman.

“Contrasting commentaries on the issues are welcome as exercise of free speech, but blatant displays of antagonism must be reined in and avoided, particularly when they are the result of pressure and partisanship,” dagdag ng kongresista. (Pearl Serrano)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?