samuel
By

Justice Martires, nag-apply sa ibabakanteng puwesto ni Morales

Sharing is caring!

Interesado na rin para sa mababakanteng pwesto ng Ombudsman si Supreme Court Associate Justice Samuel Martires na kauna-unahang appointee ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Kataas taasang Hukuman.

Si Martires ay nag-aplay sa Judicial and Bar Council (JBC) para sa posisyong babakantehin ni Ombudsman Conchita Carpio-Morales na magreretiro sa darating na Hulyo.

Sakaling maitalaga sa anti-graft body, mapapaaga ng pag-alis sa Korte Suprema si Martires na magreretiro sa Kataas taasang Hukuman sa January 2, 2018.

Bago mahirang sa Korte Suprema noong March 2017, nagsilbi si Martires bilang hukom sa isang korte sa Agoo, La Union at saka naitalaga sa Sandiganbayan noong October 15, 2005.

Nagtapos siya ng abogasya mula sa San Beda College.

Ang pagsusumite ng aplikasyon para sa pagka-Ombudsman ay natapos na kahapon, ika-15 ng Mayo.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?