30

Sep 14, 2021 @ 18:53
By

Justice Dimaampao swak sa Korte Suprema

Inangat ni Pangulong Rodrigo Duterte si Justice Japar Dimaampao mula Court of Appeals sa pagiging Supreme Court Associate Justice.

Nitong Martes lamang inilabas ng Korte Suprema ang appointment letter ni Dimaampao na noong Hulyo 2 pa ang petsa.

Papalitan ni Dimaampao si Alexander Gesmundo.

Dahil dito, si Dimaampao pa lamang ang ikalawang Muslim na nailuklok sa Korte Suprema.

Taong 2004 nang mapasok sa Court of Appeals ang 57-anyos na abogado.

Nagsilbi rin siyang chairperson sa bar exam noong nakaraang taon para sa Shari’ah courts.

Noong 1987 pa may naitalagang Muslim sa SC at ito ay sa katauhan ni Justice Abdulwahid Bidin.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?