512
teresita
By

Justice De Castro, nominado para maging susunod na Ombudsman

Sharing is caring!

Ibinida si Supreme Court (SC) Associate Justice Teresita Leonardo-De Castro para maging kapalit sa Ombudsman ni Conchita Carpio Morales, na magreretiro na sa Hulyo.

Sa dalawang-pahinang sulat sa Judicial and Bar Council (JBC) na may petsang May 3, ninomina ni SC Associate Justice Arturo Brion si De Castro, na nakatakdang magretiro sa Oktubre.

“Her long years in the prosecutorial service (almost 19 years) and in the Sandiganbayan (more than 10 years), not to mention her more than a decade of experience as an associate justice of the Supreme Court qualify her for the position of Ombudsman. Through all these years, she has served the government with competence, probity and integrity,” sabi ni Brion sa sulat.

Maliban sa pagkatalaga nito sa SC noong Disyembre 2007, nagsilbi si De Castro bilang presiding justice ng Sandiganbayan at naging pinuno rin ng special division ng anti-graft court, na naghatol kay dating pangulong Joseph Estrada ng plunder noong 2007.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?