62

By

Justice Cabotaje-Tang, ‘di mag-iinhibit sa kaso ni Noy

Sharing is caring!

Paiiralin ng Sandiganbayan ang pagbibigay ng hustisya nang walang takot at walang pinapaboran.

Ito ang binigyang diin ni Presiding Justice Amparo Cabotaje-Tang, chairman ng Third Division na siyang hahawak sa mga kasong graft at usurpation of official functions laban kay dating Pang. Noynoy Aquino sa anti-graft court.

Si Tang ay appointee ni Aquino.

Ayon kay Tang, “lahat naman kami dito naging appointee ng different presidents but more than just gratefulness to those who appointed us, we have a sworn duty and that should be the foremost consideration—to render justice, as justice should be dispensed without fear or favor.”

Sabi pa ni Tang, walang dahilan para mag-inhibit siya sa kaso.

“No (I will not inhibit). The court will never shirk from its responsibility to dispense justice. There are legal grounds for inhibition and having been appointed by the accused before is not one of the legal grounds for inhibition,” dagdag nito.

Bukod kay Tang, ang iba pang miyembro ng Sandiganbayan Third Division ay sina Associate Justices Sarah Jane Fernandez at Bernelito Fernandez.

Si Sara Jane Fernandez ay appointee rin ni Aquino habang si Bernelito Fernandez ay unang appointee ni Pang. Rodrigo Duterte sa anti-graft court.

Matapos ang raffle ng kaso, ipinaliwanag ni Tang na aalamin muna ng korte kung may probable cause ang kaso bago desisyunan kung magpapalabas ng arrest order laban sa dating pangulo.

Maaari naman anyang magpiyansa ang respondents basta’t bailable ang mga kaso.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?