118

Mar 22, 2019 @ 16:51
By ,

Juntilla, Zamboanga sinagad ang Munti

Buhay pa rin ang pag-asa ng Zamboanga-Family’s Brand Sardines na makalusot sa semifinals Southern Division ng MPBL Datu Cup.

Nakabalik at naalpasan ng Zamboanga ang Muntinlupa Cagers 84-73 para maipwersa ang isang do-or-die quarterfinals match, Huwebes ng gabi sa Muntinlupa Sports Complex.

Pasimuno sa opensa si Reed Juntilla na tumapos ng 26 puntos habang umayuda naman sa tropa si Robin Rono na tumapos na 23 puntos, 11 puntos si Ivan Villanueva habang may limang puntos, 17 rebounds at 13 assists.

“Ang sabi ko sa mga players ko, kung kailangan sumabay tayo sa pagiging pisikal to tie the series, gawin natin. Pwede tayong maging pisikal, but not dirty,” sabi ni Zamboanga coach Raymond Valenzona.

Mas naging maganda ang ikot ng bola sa Zamboanga kaya’t naging balanse ang distribution ng opensa ng tropa sa Game 2.

Kwento ni Arboleda, mas naging pursigido sila na makuha ang larong ito kahit nasa balwarte pa ito ng kalaban dahil gusto nilang makalimutan yung pangit na performance noong nakaraang laro.

“Kinalimutan na lang namin at nagpursige kaming kuhanin yung laro dito sa homecourt ng kalaban. Mas masarap sa pakiramdam na makuha mo yun,” ani Arboleda.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?