63

By

#JunkSAIS sigaw ng mga UP student

Sharing is caring!

Matapos muling makaranas ng problema sa kanilang Student Academic Information System (SAIS), nagprotesta sa social media ang mga estudyante ng University of the Philippines.

Inilabas ng mga galit at dismayadong estudyante ang kanilang saloobin sa Twitter, matapos sunod-sunod na mag-post ng mga naranasang problema sa online registration gamit ang SAIS.

“Cried twice already simula kaninang 8:30. Napaka problematic noong system. Kamuntikan na akong maubusan ng slot. Though, complete units na ako. Sobrang palpak pa rin! Gumatos ng maraming pera para sa palpak na sistema,” ayon sa komento ng isang estudyante.

Ang iba nagpatulong na sa mga kaibigan na masuwerteng nagkaroon ng access sa SAIS.

Ayon pa sa estudyanteng ito, “used 3 devices and still wasn’t able to connect to sais buti na lang my friend was able to enroll for me #JunkSAIS.”

Nag-trend din sa social media ang #JunkSAIS bilang panawagan ng mga naperwisyong estudyante.

Sabi pa ng isa, “Oh I will GLADLY accept online registration with open arms. Ang tanong ko lang naman is matino ba? Can it accommodate everyone? Hindi? Edi #JunkSAIS pa rin hanggang sa maayos ang sistema ano po.”

May hugot din ang ibang sa naranasan nilang problema sa nasabing sistema.

“Bago mo makuha yung gusto mo, dadaan ka muna sa butas ng karayom” – SAIS

Biro naman ng iba dahil hindi rin naman sila makakuha ng subject sa pag-eenroll, “salamat sa college ko at sa sais. they’re saving me from pain talaga. wow.”

Meron pang nagsabi na, “Hindi ka babagsak kung wala kang subject.”

Matatandaan na nagprotesta ang may 800 estudyante ng UP-Los Baños sa unang araw ng kanilang klase noong Agosto upang ibasura ang SAIS at panagutin ang presidente ng unibersidad na si Alfredo Pascual para sa mga glitch na naranasan ng mga estudyante sa kanilang registration period.

Ilan sa mga problemang ito ay maling scholarship bracketing, kakulangan sa pag-enlist ng mga required na klase at iba pa.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?
## Sticky for mobile →Please put this tag in
"); document.write(""); }