36

Jan 3, 2018 @ 12:27
By

Junkets, ipagbawal din sa legislative at judiciary – Alejano

Suportado ng ilang kongresista ang hakbang ni Pangulong Rodrigo Duterte na pagbawalan ang mga opisyal ng Ehekutibo sa madalas na pagbiyahe sa abroad.

Iginiit pa ni Alejano na huwag limitahan sa Ehekutibo ang polisiya at idamay na rin ang Legislative at Judiciary.

Puwede pa rin naman anyang bumiyahe ang mga opisyal ng gobyerno basta’t hindi sa mga araw na may trabaho at hindi gamit ang pondo ng gobyerno.

Welcome naman kay Isabela Rep. Rodito Albano ang utos ng pangulo.

Ayon kay Albano, isinusulong lang ng presidente ang good governance.

“The President has started to live by example. If there is no reason to travel, why travel?” ani Albano.

Sa direktiba ni Duterte, epektibo ang travel ban simula January 1, 2018 at sakop nito ang lahat ng miyembro ng Executive branch kasama ang bise Presidente at mga miyembro ng gabinete.

Una rito, ilang opisyal na ang sinibak sa puwesto dahil sa madalas na pagbiyahe sa ibang bansa. (Pearl Serrano)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?