134

Jun 4, 2019 @ 16:12
By

Junjun Binay bawal na sa gobyerno

Pinagtibay ng Court of Appeals ang ruling ng Office of the Ombudsman na guilty si dating Makati City Mayor Jejomar Erwin “Junjun” Binay Jr. sa kasong administratibo kaugnay ng konstruksyon ng Makati Science High School Building.

Dahil guilty sa serious dishonesty, grave misconduct at conduct prejudicial to best interest of service, bawal na itong humawak ng anumang posisyon sa public office.

Pirmado ang ruling na may petsang May 28 ni Associate Justice Ronaldo Roberto Martin.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?