24

Oct 11, 2017 @ 10:52

June Mar una sa BPC Race

Nakalog lang bahagya pero sila-sila pa ring top 5 contenders buhat sa quarters ang magkakaribal para sa Best Player of Conference statistical points race ng PBA Governors Cup.

Sa ni-release kahapong datos ni chief statistician Fidel Mangonon III, nasa tuktok pa rin si 5-time BPC winner San Miguel Beer slotman June Mar Fajardo sa average na 38.455 stats pts per game kahit sumablay ang team niya sa Final Four, ni-knockout ng defending champion Ginebra sa Last 8.

Top rebounder sa 11.64 at blocker sa 2.27 per game si The Kraken sa 11 games (elims-quarters) pang-ibabaw sa 18.55 points at 1.73 assists. May total SPS 353 at 70 won SPs siya.

Sampa sa No. 2 mula sa 5th si four-time awardee TNT KaTropa combo guard Jayson Castro (18.19 pts. 4.38 rebs., 6.31 asts. at 1.19 steals per game sa 16 games). Nakalikom siya ng 437 total SPs o average SPs per game na 33.563.

Kapit sa third ang naghahabol ng una niyang BPC trophy na si Ginebra center Greg Slaughter sa 32.625 average SPs per game.

May bigat na 30% ang SPs para sa mananalo, ang ibang porsiyento ay mula sa boto ng media (30%), players (25%), TV coveror (10%) at PBA Commissioner’s Office (5%) .

Nalaglag sa 4th mula 2nd si Meralco guard Chris Newsome (30.875) at 5th buhat sa 4th na si Beerman Arwind Santos (30.583).

Namayagpag pa rin sa Best Import SPs race si reigning Best Import Allen Durham ng Meralco sa average SPs/game na 58.875 sa 16 laro sa pagprimera sa rebs. (20.06) at asists. (6.81), 25.44 pts. at 1.25 blks. per game.

Nasa pang-anim ang kalaban niya sa Finals simula sa Biyernes na si Gin King Justin Brownlee (48.87.5) sa likuran nina Brandon Brown ng Phoenix (54.500), Henry Walker ng Blackwater (54.100), Murphey Halloway ng GlobalPort (53.222) at Aaron Fuller ng NLEX (49.500).(Ramil Cruz)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?