73

May 8, 2022 @ 19:03
By

June Mar miss na ang ermat

Sa unang pagkakataon sa kanyang buhay ay sinalubong ni six-time PBA MVP June Mar Fajardo ang Mother’s Day nang wala ang kanyang nanay.

Ito ay dahil Agosto noong nakaraang taon ay pumanaw sa edad na 52 ang kanyang nanay Marites.

Kaya ngayong Linggo, napa-throwback na lamang si Fajardo para batiin ang kanyang ina ng Mother’s Day.

“Miss you everyday! Happy Mother’s Day up there Mama!” saad ni Fajardo sa caption.

Si Fajardo, sa kabila ng taas na 6’11, ay aminadong ‘mama’s boy.’

Binati naman ang San Miguel Beermen center ng kanyang mga kapwa basketbolista.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?