476

By

June Mar hindi PBA greatest player – Tim Cone

Para kay Ginebra head coach Tim Cone, mahirap pagkumparahin ang mga manlalaro sa PBA kahit pa ibase ang bilang sa nakuha nilang mga award sa liga.

Sa panayam kay Cone matapos ang kanilang laban sa TNT KaTropa kung saan sila’y nagwagi, 90-79, wala itong maikukunsiderang PBA ‘greatest player of all-time’ o GOAT, kahit pa ang five-time PBA MVP na si June Mar Fajardo.

Nilampasan ni Fajardo ang dalawang four-time league MVP na sina Alvin Patrimonio at Ramon Fernandez, ngunit para kay Cone, hindi maihahalintulad ang tatlo lalo’t magkakaiba sila ng era na pinaglaruan.

“I think June Mar is by far the best player in our era but I think it just comes down to who you talk to. You talk to a 70-year-old man who watched Mon he’ll tell you he’s the best ever,” pakli ni Cone.

“If I say June Mar then, that’s saying something about Mon, that’s saying something about Alvin,” ayon pa sa kanya.

Ngunit kung pinakaimporteng PBA player ang pag-uusapan, isa ang tumatak kay Cone.

‘Yan ay walang iba kundi ang ‘Living Legend’ na si Robert ‘Sonny’ Jaworski.

“…the most important player of all time? Jaworski. Sonny. He won one MVP but the most important personality in our league, it was Jaworski,” saad ng Ginebra coach.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?