59

By

June 24 idineklarang special non-working day sa Manila

Idineklara ng Malacañang na special non-working day sa darating na Hunyo 24 sa Maynila.

Sa inilabas na Proclamation No. 731, ito umano ay bilang selebrasyon sa 448th Foundation Anniversary ng lungsod.

Ayon pa sa proklamasyon, nararapat  lamang  na  mabigyan ng  pagkakataon ang  mga  taga-Maynila na makapagselebra  at makilahok sa  mga  ihahandang  seremonya  ng  pamahalaang lungsod  ng  Maynila.

Dahil dito, inaasahang  walang  pasok sa  mga  tanggapan at  mga  paaralan sa  Maynila sa nabanggit na petsa.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?