83

May 5, 2021 @ 20:59
By

Junakis nina LJ, Paolo may commercial na!

Tila nagbunga ang mga nakatutuwang “acting lessons” ni Paolo Contis sa anak nila ni LJ Reyes na si Summer.

Sa Instagram binalita ni LJ na nag-shoot si Summer ng isang TV commercial.

“Anak, wardrobe check palang! Bigay todo ha!!! Still can’t believe she finished a TVC shoot! Such a trooper, and a good one at that! Minsan nakakalimutan ko talaga na 2yo lang sya! (BTS soon! G?)” sey ni LJ sa larawan habang naka-acting mode na si Summer.

Kaka-2 anyos lang ni Summer noong January.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?