ABANTE TNT nba julius erving hospital released

Julius Erving nakalabas na ng ospital

Sharing is caring!

Nakarekober na kanyang sakit ang Hall of Famer na si Julius Erving ilang araw matapos isugod dahil sa pananakit ng katawan habang nanonood ng laban ng Philadelphia 76ers’ game.

Ayon sa management team ni Erving, sumailalim ng kumprehensibong media evaluation si Erving at inaasahang ang tuluyang paggaling nito.

Hindi naman binanggit ng team ang detalye ng sakit ni Erving.

Nanoood ng laban noong Biyernes ang 67 anyos na si Erving at pinaingay pa nito ang ceremonial Liberty Bell bago ang laban.

Binigyan din parangal si Ervin, kilala sa tawag na “Dr. J”, 35 taon matapos ipamalas ang pamosong cradle dunk niya laban sa Los Angeles Lakers.

Si Erving ang nanguna sa Sixers sa kanilang huling kampeonato noong 1983. Naging MVP din ito noong 1981.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?