166

Jul 20, 2019 @ 19:18
By

Julio Cesar Chavez pusta kay Pacquiao

Naniniwala si Mexican boxing legend Julio Cesar Chavez na hindi man mapahalik sa lona ni Manny Pacquiao si Keith Thurman, magwawagi naman ang Pambansang Kamao sa puntos.

“Pacquiao by decision,” saad ni Chavez.

Kabilang na siya sa mga magagaling na boksingero na pumusta kay Pacman gaya nina Erik Morales, Marco Antonio Barrera at Roberto Duran.

Target ni Pacquiao na mapagsama ang mga WBA welterweight title habang si Thurman, na WBA (super) welterweight champion, gustong siya ang makapagparetiro kay Pacman.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?