168

By

Julie Anne San Jose, nakipag-jamming sa cast ng ‘The Lion King’

Sharing is caring!

Nakipag-jamming ang bida ng “My Guitar Princess” at Asia’s Pop Sweetheart na si Julie Anne San Jose sa international cast ng tinaguriang world’s number one musical na “The Lion King” na currently ay napapanood sa The Theater at Solaire hanggang May 27.

Kinomisyon ng Globe Telecom ang girlfriend ni Benjamin Alves para gumawa ng cover sa awiting “Can You Feel The Love Tonight” na isa sa sikat na kanta sa award-winning musical.

Ang video ay pinost nu’ng May 14 at humamig na ito ng mahigit 82K plus views.

Samantala, sa isang interview ng GMANetwork.com kay Julie Anne, inamin niyang fan talaga siya ng Disney movie at itinuturing niyang isang magandang experience ang makipag-jamming sa cast ng international musical.

Aniya, “I’ve seen the musical mismo and I was in awe. I was in awe, I was moved to tears. Sobrang galing ng production. When they called me na sabi nila gusto nilang gumawa ng cover with me, wow. Di ko alam kung paano nangyari ‘yun but I’m just really grateful, truly honored and really, really thankful that I was chosen to sing one of the songs of The Lion King, with the cast pa.”

“It’s one of my favorite childhood movies, ‘The Lion King.’ Sobrang nakakataba ng puso and I’m happy that the people appreciated it,” say pa ni Julie Anne sa interview sa kanya ng GMA Online.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?