76

Oct 29, 2020 @ 21:31
By

Julie Anne nagpabilib sa theme song ng ‘Over the Moon’

Si Julie Anne San Jose ang napili para awitin ang theme song ng “Over the Moon” movie ng Netflix.

Inilabas nitong Huwebes ng Netflix ang cover na “Rocket to the Moon”, ang main theme ng animated musical film.

“All aboard, we’re flying away! Let Julie Anne San Jose’s cover of ‘Rocket To The Moon’ from ‘Over The Moon’ take you to a place that’s filled with wonder and love,” anunsyo ng Netflix sa Facebook post.

Ang “Over the Moon” ay kuwento ng isang 12-anyos na si Fei Fei na gumawa ng rocket ship para makapunta sa buwan at mapatunayang totoo ang Chinese moon goddess na si Chang’e.

Nag-premiere sa Netflix ang movie noong October 23.

https://www.facebook.com/netflixph/videos/436738663981248/

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?